2022 Beijing Culture Forum, binuksan sa Beijing

2022-07-25 17:47:23  CMG
Share with:

Hulyo 25, 2022, Beijing – Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng kauna-unahang Beijing Culture Forum, sinabi ni Huang Kunming, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng CPC, na dapat gawing plataporma ang Beijing Culture Forum tungo sa mataas na antas na pagpapasulong ng inobasyon at pag-unlad ng kultura.

 


Ito aniya ay para magbigay ng bagong ambag para sa pagtatatag ng sosyalistang bansa na malakas sa kultura.

 

Ang 2022 Beijing Culture Forum ay may temang “Inheritance, Innovation and Mutual Learning.”

 

Ito ay binubuo ng pangunahing porum, apat na sub-forum at iba pang mga kaukulang aktibidad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio