Tsina at Indonesya, inaasahan ang pangmatagalang pag-unlad ng bilateral na relasyon

2022-07-26 23:09:14  CMG
Share with:


Nag-usap ngayong hapon, Hulyo 26, 2022, sa Beijing, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joko Widodo ng Indonesya.

 

Sinabi ni Xi, na si Widodo ay unang puno ng estado ng ibang bansa na tinatanggap ng Tsina pagkaraan ng Beijing Winter Olympics, at ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng kapwa Tsina at Indonesya sa pagpapaunlad ng kanilang relasyon.