Ipinahayag nitong Martes, Hulyo 26, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng panig Tsino ang Amerika na maingat na hawakan ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan.
Hiniling ni Zhao sa panig Amerikano na isakatuparan ang mga pangako ni Pangulong Joseph Biden at State Secretary Antony Blinken sa isyu ng Taiwan at sundin ang prinsipyong isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa.
Bukod dito, hinimok ni Zhao ang Amerika na maki-isa sa Tsina para hanapin ang tamang paraan ng pakikipamuhayan ng dalawang bansa na batay sa paggagalangan sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan at pagkakaroon ng mutuwal na kapakinapangan.
Salin:Ernest
Pulido: Mac