Ang ilog ng Yongding ay mahalagang ilog sa hilaga ng Tsina. 747 kilometro ang kabuaang haba ng Ilog Yongding, at 170 kilometro ng haba nito sa loob ng lunsod Beijing.
Sa Beijing, ang naturang ilog ay kilala bilang “Inang Ilog.”
Nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng pagsasakatuparan ng mga hakbangin ng pagsasaayos sa ekolohikal na kapaligiran, nagiging mas mabuti rin ang ekolohikal na kapaligiran at kalidad ng tubig ng Ilog Yongding. Sa mga lugar sa pampang ng Ilog Yongding, unti-unting itinayo ang mga modernong arkitektura na tulad ng pasilidad ng 2022 Beijing Winter Olympic Games, Xinshougang Bridge, Yongding Tower, at iba pa, na naging “modernong landmarks” sa kahabaan ng Ilog Yongding.
Shougang Industrial Park (isa sa mga pasilidad ng 2022 Beijing Winter Olympic Games)
Xinshougang Bridge
Yongding Tower
Salin:Sarah
Pulido:Mac