Tsina, handang tumulong sa Pilipinas kaugnay na lindol sa Abra

2022-07-28 10:19:46  CRI
Share with:

Kaugnay ng magnitude 7.0 na lindol na yumanig sa Abra at mga lalawigan sa dakong hilaga ng Luzon ng Pilipinas, ipinahayag nitong Miyerkules, Hulyo 27, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasalukuyang mahigpit na sinusubaybayan ng panig Tsino ang epektong dulot ng lindol sa Pilipinas.


Ipinaaabot din aniya ng panig Tsino ang simpatiya sa panig Pilipino. Nakahanda ang panig Tsino na magkaloob ng suporta at tulong sa panig Pilipino ayon sa pangangailangan nito.


Salin: Lito

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin