High-Level Forum for RCEP Economic and Trade Cooperation, idinaos

2022-07-28 14:58:42  CMG
Share with:

Idinaos ngayong araw, Hulyo 28, 2022 sa lunsod ng Qingdao ng lalawigang Shandong ng Tsina ang 2022 High-Level Forum for RCEP Economic and Trade Cooperation.


Ipinahayag ng mga namamahalang tauhan ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) na sapul nang pairalin ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) noong unang araw ng taong ito, nakapasa ang kasunduang ito sa mga malaking hamon.


Ayon sa pahayag, noong unang hati ng taong ito, lumagda ang mga departamento ng CCPIT sa 56.8 libong RCEP certification of origin na nagkakahalaga sa US$ 2.732 bilyon. Tinayang mababawas rito ang US$ 40 milyong taripa ng mga bahay-kalakal.


Sa porum na ito, opisyal na isinapubliko ang isang deklarasyon para pasulungin ang de-kalidad na pagsasakatuparan ng RCEP.


Salin:Ernest

Pulido: Mac