CPC at mga partido ng Marsismo ng iba’t ibang bansa, magkakasamang ipapakita ang katotohanan ng Marsismo

2022-07-29 16:48:36  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati sa Porum ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga Partido Pulitikal ng Marsismo ng Daigdig Hulyo 28, 2022, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, na ang Marsismo ay isang bukas at umuunlad na teorya.

 

Aniya, iginigiit ng CPC ang paghahalo ng pundamental na prinsipyo ng Marsismo, aktuwal na kalagayan ng Tsina at matalinong tradisyonal na kulturang Tsino.

 

Ito aniya ay upang walang humpay na mapasulong ang pag-angkop ng Marsismo sa kalagayan ng Tsina, tungo sa pagtahak ng bansa sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino.

 

Binigyan-diin ni Xi na nakahanda ang Tsina na palakasin ang diyalogo at pakikipagpalitan sa mga partido ng Marsismo ng iba’t ibang bansa, para magkakasamang paunlarin ang teorya, magkakasamang itatag ang pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan, at isiwalat ang mas malaking lakas ng katotohanan ng Marsismo.

 

Ang nasabing porum ay itinaguyod ng Departamentong Internasyonal ng Komite Sentral ng CPC.

 

Sa pamamagitan ng video link, lumahok dito ang mahigit 300 kinatawan ng 100 partido ng Marsismo, makakaliwang partido pulitikal, at organisasyong pulitikal mula sa 70 bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio