Pagdadalamhati, ipinahayag ng Embahador Tsino sa PIlipinas kaugnay ng pagyao ni FVR

2022-08-01 16:17:48  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Agosto 1, 2022 ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang pakikidalamhati sa pagyao ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos (FVR) ng Pilipinas.

 

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Embahador Huang na si FVR ay nagbigay ng malaking ambag sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, lalo na sa pagtatatag ng Boao Forum for Asia (BFA).


Salin: Ernest

Pulido: Rhio