Noong unang dako ng kasalukuyang taon, sinalanta ng pagputok ng bulkan at kalamidad ng tsunami ang Tonga.
Nang makita ang pagdadala ng hukbong pandagat ng Tsina ng mga relief supplies makaraang maglayag ng mahigit 5,200 nautical miles at mapawi ang mga kahirapan at hamon, sinabi ni Punong Ministro Siaosi Sovaleni ng Tonga na nalutas ng suporta mula sa Tsina ang pangkagipitang pangangailangan nito at nakatulong sa rekonstruksyon ng bansa pagkatapos ng kalamidad.
Ito ang isang pagpapakita ng paghahanap ng hukbong Tsino ng kapayapaan sa buong mundo.
Nitong Agosto 1, 2022 ipinagdiwang ang ika-95 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Liberation Army (PLA).
Dahil nakaranas ang PLA ng mga digmaan, lubos nitong alam na di madaling marating ang kapayapaan.
Sapul nang maitatag ang bagong Tsina, palagiang iginigiit ng Tsina ang pagtatanggol na patakarang pandepensa. Kailanma’y hindi inilunsad ng Tsina ang anumang digmaan, at kailanma’y hindi sinakop ang anumang lupain ng ibang bansa.
Sa ngayon, ang hukbong Tsino ay hindi lamang napakatibay na sanggalang sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, kundi maging matatag na puwersa sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig.
Sa mga pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC), ang Tsina ay pinaka-aktibong lumalahok sa mga aksyong pamayapa, at ito ang ikalawang pinakamalaking bansang pinuponduhan ang mga aksyong pamayapa ng UN na tinaguriang “masusing elemento at puwersa sa aksyong pamayapa ng UN.”
Bukod pa riyan, walang patid na isinasagawa ng hukbong Tsino ang mga gawain tulad ng pagbabantay sa paglalayag, makataong panaklolo, at kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemiya, bagay na nagpapaliwanag sa ideya ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalaran ng Sangkatauhan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Ang paghahanap ng hukbong Tsino ng kapayapaan ay nagmumula sa diwa ng kapayapaan na malalim na nakabaon sa Nasyong Tsino, at nagpapakita ng responsibilidad ng Tsina bilang isang malaking bansa.
Hindi matahimik ang kasalukuyang daigdig, lumalago ang ideya ng Cold War, hegemoniya, at power politics, at naghahalo ngayon ang tradisyonal at di-tradisyonal na hamong panseguridad.
Sa harap ng maligalig na daigdig, isinusulong ng hukbong Tsino ang Global Security Initiative at walang patid na ipinagkakaloob ang “katiyakan” para sa kapayapaang pandaigdig.
Salin: Lito
Pulido: Mac