Lider ng al-Qaeda, patay matapos ang drone strike ng Amerika

2022-08-02 11:51:20  CMG
Share with:

Isinapubliko nitong Lunes, Agosoto 1, 2022 ni Pangulong Joseph Biden ng Amerika na nasawi si Ayman al-Zawahiri, lider ng al-Qaeda, sa isang drone strike na inilunsad ng Amerika sa Kabul, kabisera ng Afghanistan.


Noong Hulyo 31, 2022, kinumpirma ng panig pulisya ng Afghanistan ang naturang insidente ng pag-atake sa Kabul.


Nang araw ring iyon, kinondena ng Tagapagsalita ng Pansamantalang Pamahalaan ng Afghanistan ang aksyon ng Amerika sa paglunsad ng drone strike sa Kabul.


Salin: Ernest

Pulido: Mac