Vlog ni Sissi: Lakbay sa Museo ng Ningxia

2022-08-02 02:31:32  CRI
Share with:

Hello po, mga kaibigang Pinoy, isang linggo na tayong hindi nagkikita. Nagpunta ako sa aking hometown-Ningxia, isang maliit na probinsya sa dakong hilagang kanluran ng Tsina. At sa susunod na ilang episodes, inaanyayahan ko kayong sundan ang vlog ko para sa isang masayang pamamasyal sa Ningxia at malaman ang pinakamagandang lugar sa aking puso.

 

Meron isang kasabihan, kung gusto ninyong malaman ang isang lugar, the best and the fastest way ay pagpunta sa museo. Kaya, ang unang destinasyon ng biyahe natin ngayong araw ay ang Museo ng Ningxia.

 

Bilang ika-2 pinakamaliit na probinsya sa Tsina, nasa 66.4 libong square kilometers lamang ang buong Ningxia, 7.25 milyong mamamayan, pero, meron itong mahabang kasaysayan at napakayamang kultura. Halimbawa, ang mga rock painting na nakikita ninyo ay bakas ng human activities mula pa noong Old Stone Age.

 

Mula sa Qin Dynasty, ang Ningxia ay inilakip sa teritoryo ng mga kaharian sa sentral Tsina at naging isang napakaimportanteng hintuan ng silkroad. Sa mga eksibit ng Ningxia Museum, puwedeng makita ninyo ang mga cultural relics ng iba’t ibang dinastiya ng Tsina, puwede ding makita ang kuwintás, headwear at mga ginto na galing sa Europa.

 

Tingnan ninyo, lumuluha ang statue na ito. Humulas na ang kulay sa itim na bahagi ng mata kasunod ng paglipas ng panahon.

 

Ang malalaking hayop na ito na may ulo ng dragon at buntot ng isda ay tinatawag na chiwen. Siya ang ika-9 na anak ng dragon at gustong gusto kumain ng apoy, kaya, madalas na ginagamit ito bilang  dekorasyon sa bubong.

 

Ang pinakaimportanteng treasure ng Ningxia museum. Hungkág sa loob at noong simula, meron itong gintong kulay. Bilang isang funeral object, o bagay na isinasama sa libing, ipinakita nito ang napakataas na kasanayan sa metal casting ng sinaunang Tsina..

 

Pagpasok sa modernong panahon, ang Ningxia ay naging lupang-tinubuan o tirahan ng 35 pambansang minorya at sikat na sikat bilang autonomous region ng mga muslims sa Tsina at tulay na nag-uugnay sa Tsina at mga bansang Muslim.

 

Ngayon, meron tayong isang guessing game, alam po ba ninyo kung ano ito? Bibigyan ko kayo ng isang hint: Balat ng tupa ang mga ito. At ire-reveal ko ang sagot sa susunod na episode.

 

Video Editor: Sissi


Pulido: Mac