Tsina, tumutulong sa mga PIlipinong apektado ng lindol

2022-08-04 14:35:41  CMG
Share with:

 

Sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Php10 milyong halaga ng bigas ang ipinamahagi Agosto 2, 2022 ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at Philippines Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (PCCCII) sa mga apektado ng lindol sa lalawigang Abra.

 

Sinabi ni Zhou Zhiyong, Minister Counsellor ng Embahadang Tsino, na maliban sa bigas, namahagi rin ng iba pang suplay ang mga kompanya ng Tsina sa Pilipinas.

 

Ayon sa ulat, dumating na sa mga apektadong lugar ang unang pangkat ng mga suplay mula sa nasabing mga kompanya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio