Paggawa ng bulaklak ng pagmamahalan

2022-08-05 16:36:55  CRI
Share with:

Ang 芍药(Shao Yao)o Chinese herbaceous peony ay simbolo ng kagandahan, samahang pangmatagalan at katapatan.  Sa sinaunang Tsina, nagpapalitan ang mga magsing-irog ng peony sa simula ng kanilang relationship o o bilang regalong pangdespedida upang ipahayag ang katapatan sa katuwang. Puwedeng sabihing ang peony ay bulaklak ng pagmamahalaan sa Tsina.

 

Ngayong araw ay ang ikapitong araw ng ikapitong buwan ng Chinese Lunar Calendar, at dito sa Tsina, ang araw na ito ay kilala rin bilang Double Seventh Festival o araw ng mga puso. Kagaya dito sa Tsina, pwede kayong gumawa ng papel na peony para sa inyong loved ones.

 

Noong unang panahon, ang Double Seventh Festival ay araw ng pagsamba ng mga kababaihan sa diyosa ng paghahabi, para bigyan sila ng mas mahusay na kakayahan sa pananahi. Pagpasok sa modernong panahon, ito ay naging kompetisyon sa mga lalaki para ipakita ang kanilang pagmamahal sa girlfriend o asawa.

 

Actually, ang katuturan ng naturang kapistahan, sa palagay ko, ay pagkakaroon ng pagkakataon o dahilan na magpahayag ng pagmamahal at pasasalamat sa mga mahal sa buhay.

 

Maligayang Double Seventh Festival, magandang Araw ng mga Puso ng Tsina.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac