Kaunlarang pandaigdig at pagbabahagi ng kuwentong pangkooperasyon, tampok ng 2022 China-ASEAN Media Think Tank Forum

2022-08-06 19:58:51  CMG
Share with:

Beijing Idinaos nitong Agosto 5, 2022 ang 2022 China-ASEAN Media Think Tank Forum na may temang “Kaunlarang Pandaigdig: Komong Kapalaran at Magkakasamang Pagkilos.”


Sa pamamagitan ng online o offline modes, dumalo sa porum ang mga opisyal, namamahalang tauhan ng pangunahing media, kinatawan ng think tank, at dalubhasa at iskolar mula sa Tsina at 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para talakayin ang tungkol sa pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng Global Development Initiative (GDI) at pagpapasulong ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.


Sapul nang iharap ng Tsina ang GDI noong Setyembre ng nagdaang taon, nakuha nito ang positibong reaksyon mula sa komunidad ng daigdig.


Ipinahayag ni Chen Dehai, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Center (ACC), na dapat itampok ng mga media ng Tsina at ASEAN ang mga temang gaya ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pag-ahon ng kabuhayan, at dapat din silang mabuting magbahagi ng mga kuwento tungkol sa pag-unlad para makalikha ng mainam na kapaligiran sa kooperasyon ng kapwa panig.


Bukod pa riyan, lubos na pinapurihan ng iba’t-ibang kalahok na panig ang mahalagang papel ng GDI sa pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyong pangkaunlaran at mapayapang pag-unlad.


Ipinahayag nila na batay sa malalim na damdamin ng Tsina at ASEAN bilang mabuting magkapitbansa, kaibigan, at katuwang, dapat itugma ang unibersal na mithiin ng iba’t-ibang bansa sa rehiyong ito sa paghahanap ng kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at win-win result.


Salin: Lito

Pulido: Mac