Kooperasyong Sino-Singaporean na may mutuwal na kapakinabangan, palalawakin

2022-08-06 10:39:05  CMG
Share with:

Phnom Penh — Nagtagpo nitong Agosto 4, 2022 (local time) sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore.


Ikinasisiya ng kapwa panig ang mainam na estratehikong pagsasanggunian at mahigpit na pagpapalagayan sa iba’t-ibang antas ng dalawang bansa. Ipinahayag nila na patuloy na pananatilihin ang pagdadalawan sa mataas na antas, palalawakin ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.


Ipinahayag ni Vivian Balakrishnan na palagian at malinaw na iginigiit ng Singapore ang patakarang isang Tsina, at hindi nagbabago ang patakarang ito.


Salin: Lito

Pulido: Mac