Phnom Penh — Sa kanyang pagdalo sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Ika-12 Summit ng Silangang Asya, inilahad nitong Agosto 5 (local time), 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang posisyon ng panig Tsino tungkol sa isyu ng South China Sea, at pinabulaanan ang umano’y pagkabahala ng panig Amerikano.
Sinabi ni Wang na ayon sa “Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC),” iginigiit ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang maayos na paglutas sa kanilang alitan sa pamamagitan ng pagsasanggunian at talastasan.
Ani Wang, nitong mga taong nakalipas, napangangalagaan ng Tsina kasama ng mga bansang ASEAN ang katatagan ng SCS, bagay na nagkakaloob ng matatag na kapaligiran para sa kani-kanilang pag-unlad.
Diin ni Wang, ang kasalukuyang pinakamalaking panganib sa kapayapaan at katatagan ng SCS ay walang batayang panghihimasok at madalas na panggugulo ng malaking bansa sa labas ng rehiyong ito.
Dapat aniyang ipatupad ng kaukulang bansa ang pangako nito at totohanang igalang ang ginagawang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa karagatang ito.
Salin: Lito
Pulido: Mac