Phnom Penh — Nagtagpo nitong Agosto 4, 2022 (local time) sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Bui Thanh Son, Ministrong Panlabas ng Biyetnam.
Ipinahayag ng kapwa panig na ipapatupad ng mabuti ang pagkakasundong narating sa ika-14 na pulong ng Komisyon ng Pagbibigay-patnubay sa Bilateral na Kooperasyong Sino-Biyetnames, at isusulong ang kanilang kooperasyon sa mga mahalagang larangan.
Inulit ni Bui Thanh Son na buong tatag na nananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina.
Ipinalabas na ng Biyetnam kasama ng mga iba pang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang pahayag para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.
Hinahangaan naman ni Wang ang pagkilala ng Biyetnam sa patakarang isang Tsina.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Biyetnames upang magkasamang maipagtanggol ang katarungang pandaigdig.
Salin: Lito
Pulido: Mac