CMG Komentaryo: Umano’y “demokrasya” ni Pelosi, binabatikos din ng mga Amerikano

2022-08-09 10:58:22  CRI
Share with:

Sa katuwirang umano ng “demokrasya,” kamakaila’y bumisita si Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, sa rehiyong Taiwan ng Tsina.


Ngunit nabatid ng mga residente sa Taiwan ang tunay na hangarin ni Pelosi. Tinukoy ng mga protestador sa Taiwan na ang nasabing pagbisita ni Pelosi ay para sa kapakanan ng kanyang sarili, kanyang partido, at Amerika.


Tinukoy pa ng mga protestador na mahal ng mga residente ng Taiwan ang kapayapaan, at ayaw nilang maging pain para sa kapakanang Amerikano.


Alam din ito ng mga mamamayang Amerikano.


Sa isang preskong idinaos nitong Agosto 5, 2022 (local time) sa White House, tinanong ng mamamahayag kung dapat bang akuin o hindi ni Pelosi ang responsibilidad sa pagsira ng relasyong Sino-Amerikano. Tinukoy pa ng ilang mamamahayag na ang pagbisita ni Pelosi sa rehiyong Taiwan ay nagdulot ng mas maigting na situwasyon ng Taiwan Straits.


Sa katotohanan, ang naturang pagbisita ni Pelosi ay nanunulsol sa paghihiwalay-walay at sumisira sa demokrasya sa halip ng pagtatanggol ng demokrasya.


Ano ang demokrasya? Ang esensya nito ay pangangasiwa ng mga mamamayan sa kanilang sariling bansa.


Sa usapin ng Taiwan, palagian ang posisyon ng mahigit 1.4 bilyong mamamayang Tsino na buong tatag na nangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at hinding hindi nagpapahintulot ng “pagsasarili ng Taiwan” sa anumang porma.


Kung talagang iginagalang ni Pelosi ang demokrasya, dapat niya igalang ang komong tinig ng mga mamamayang Tsino na ang populasyon nito ay katumbas ng 1/5 ng kabuuang populasyon ng buong mundo.


Kung hindi, tumataliwas si Pelosi sa demokrasya.


Nitong ilang araw na nakalipas, malawakang sinusuportahan ng komunidad ng daigdig ang isinasagawang lehitimong ganti ng panig Tsino.


Ang mga ganting-hakbangin ng panig Tsino ay hindi lamang solemnang babala sa mga tagapagbunsod at buong tatag na pagtatanggol sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, kundi maging mariing ganting-salakay para sa mga bansa’t rehiyong malubhang sinasalanta ng “demokrasyang istilong Amerikano.”


Magkakasunod na kinondena ng mahigit 170 bansa’t organisasyong pandaigdig ang pagbisita ni Pelosi sa rehiyong Taiwan, inihayag ang pananangan sa prinsipyong isang Tsina, at kinakatigan ang Tsina sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.


Ito ang malaking labanan sa pagitan ng hegemonya at kontra-hegemonya, panghihimasok at kontra-panghihimasok, paghihiwalay at kontra-paghihiwalay.


Unti-unting di kinikilala ang umano’y “demokrasya” na isinusulsol ni Pelosi.


Salin: Lito

Pulido: Mac