Xi Jinping, nakikiramay sa Pangulo ng Cuba hinggil sa pagsabog ng oil depot; handang tumulong sa Cuba

2022-08-09 14:51:12  CMG
Share with:

Ipinadala kahapon, Agosto 8, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Miguel Diaz-Canel ng Cuba bilang pakikiramay sa mga nasawi sa pagsabog ng fuel storage facility sa bansang ito.


Ipinahayag ni Xi, sa ngalan ng Pamahalaang Tsino at mga mamamayang Tsino, ang taos-pusong pakikidalamhati sa mga biktima ng aksidenteng ito at pangungumusta sa mga kamag-anak ng biktima at nasugatan.


Sinabi ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na ipagkaloob ang mga tulong sa Cuba.


Salin: Ernest

Pulido: Mac