Kabuhayang Tsino, naging puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig

2022-08-10 15:49:43  CMG
Share with:

 

Ayon sa isang survey sa mga mamamayan ng 22 bansa, ipinalalagay ng 78.34% ng mga respondents na ang kabuhayang Tsino ay naging puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig. Hinahangaan din ng karamihan ng mga respondents ang natamong bunga ng Tsina nitong 10 taong nakaraan.

 

Ang nasabing survey ay magkasamang isinagawa ng CGTN at Renmin University ng Tsina. At ang 22 bansa ay kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Alemanya, Canada, Australia, New Zealand, Hapon, Timog Korea, Singapore, Brazil, Argentina, Mexico, Thailand, India, Pakistan, United Arab Emirates, Egypt, Nigeria, Kenya, Timog Aprika, at iba pa.

 

Ang teknolohiya ng 5G ng Tsina ay isang natamong bunga na nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa kaisipan ng mga respondents.


Salin: Ernest

Pulido: Mac