Ayon sa datos na inilabas ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, ang bolyum ng pagluluwas ng bansa sa labas noong nagdaang Hulyo ay umabot sa US$ 332.96 bilyon na lumaki ng 18% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2021.
Ang bahagdan ng paglaki ng pagluluwas ng Tsina ay lumampas sa mga naitakdang target ng mga dayuhang media na gaya ng Reuters, Bloomberg, South China Morning Post at Consumer News and Business Channel (CNBC).
Bukod dito, ang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina mula nagdaang Enero hanggang Hulyo ng taong ito ay lumaki rin ng 7.1% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.
Sa kalagayan ng mabagal na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ang paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina ay nagpapakitang di-mahahalinhan ang katayuang Tsino sa global supply chain.
Ang paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina ay nagmula sa mabilis na pagpapanumbalik ng takbo ng industrial chain at supply chain ng bansa.
Bukod dito, ang paggigiit ng Tsina sa patakaran ng pagbubukas sa labas ay nagpapatatag ng kompiyansa ng mga bahay-kalakal ng buong daigdig sa pamilihang Tsino.
Parating isinusulong ng Tsina ang globalisasyon ng kabuhayan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Kaya ang Tsina ay hindi lamang manufacturing center para sa buong daigdig, kundi maging sa pamilihang mayroong walang katapusang pangangailangan.
Kahit kinakaharap pa rin ng Tsina ang mga hamon sa pag-unlad ng kabuhayan, hinding hindi nagbabago ang Tsina kaugnay ng patakarang pagbubukas sa labas.
Salin: Ernest
Pulido: Mac