Mga organisasyong pandaigdig, inulit ang suporta sa prinsipyo isang Tsina

2022-08-14 14:23:14  CRI
Share with:

Sa iba’t-ibang porma, inulit kamakailan ng mga organisasyong pandaigdig ang kanilang suporta sa Resolusyon Bilang 2758 ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) at pananangan sa prinsipyong isang Tsina.


Ipinangako ng Geneva-based International Organization for Migration (IOM) na tatalima ito sa prinsipyong isang Tsina at Resolusyon Bilang 2758 ng UN.


Sinabi rin ng IOM, na patuloy nitong palalakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina.


Samantala, ipinahayag ng Geneva-based South Center na bilang isang organisasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ng mga umuunlad na bansa sa buong mundo, buong tatag nitong iginigiit ang prinsipyong isang Tsina na naitakda sa nasabing resolusyon ng UN.


Ipinalalagay din nitong may karapatan ang lahat ng bansa na ipagtanggol ang kanilang soberanya at kabuuan ng teritoryo.


Bukod pa riyan, inulit ng iba pang organisasyong pandaigdig na gaya ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang kanilang pananangan sa prinsipyong isang Tsina.


Matatandaang noong Oktubre 25, 1971, pinagtibay sa Ika-26 na Pangkalahatang Asemblea ng UN ang Resolusyon Bilang 2758 kung saan ipinasiyang panumbalikin ang lahat ng karapatan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN at kinilala ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina bilang tanging lehitimong kinatawan ng Tsina sa UN.


Salin: Lito

Pulido: Rhio