Liham, ipinadala ni Xi Jinping sa mga “mabuting Tsino” na sina Li Peisheng at Hu Xiaochun

2022-08-14 14:50:38  CRI
Share with:

Sa kanyang liham Agosto 13, 2022 kina Li Peisheng at Hu Xiaochun, dalawang trabahador sa purok na panturista sa Bundok Huangshan, probinsyang Anhui ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ang  taos-pusong pag-asa sa kanilang patuloy na pagpapatingkad ng papel bilang modelo ng pagiging “mabuting Tsino.”

Si Li Peisheng

Ani Xi, taun-taong nililinis nina Li at Hu ng kapaligiran sa Bundok Huangshan na lubos na nagpapakita ng diwa ng pagmamahal sa usapin at sakripisyo.

Si Hu Xiaochun

Mula taong 2008, ini-organisa ng Tanggapan ng Sibilisasyon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang aktibidad ng “mabuting Tsino.”


Hanggang sa ngayon, umabot na sa 16,228 katao ang mga naisama sa listahan ng “mabuting Tsino.”


Salin: Lito

Pulido: Rhio