Benta ng pampasaherong sasakyan ng Tsina, lumaki

2022-08-14 14:21:00  CRI
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko kamakailan ng China Association of Automobile Manufactures (CAAM), umabot sa 2.21 milyon at 2.17 milyon ang bilang ng mga iniprodyus at ibinentang pampasaherong sasakyan sa bansa noong Hulyo 2022.


Anang CAAM, ito ay 42.6% at 40% na paglaki kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Nananatili rin anitong napakabilis ang paglaki ng pagpoprodyus at pagbebenta ng bagong-enerhiyang sasakyan.


Hinggil dito, magkahiwalay na umabot sa 617 libo at 593 libo noong Hulyo ang mga iniprodyus at ibinentang new energy na sasakyan na kapuwa lumaki ng 1.2 beses kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Bukod pa riyan, umabot din sa 290 libo ang mga iniluwas na sasakayan ng Tsina noong nagdaang Hulyo, na naging bagong rekord sa kasaysayan.


Ito ay mas malaki ng 67% kumpara sa gayunding panahon ng 2021.


Salin: Lito

Pulido: Rhio