Sinabi ngayong araw, Agosto 16, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang signataryong bansa ng International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination (ICEAFRD), ginagamit ng Amerika ang isyu ng diskriminasyon ng lahi bilang kasangkapan sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang mga bansa, subalit parating nagbubulag-bulagan ang Amerika sa sariling problema ng diskriminasyon ng lahi.
Ayon sa ulat, sinuri kamakailan ng Committee on the Elimination of Racial Discrimination (CERD) ng United Nations ang kalagayan ng pagsasakatuparan ng Amerika ng ICEAFRD. Ayon sa mga inilabas na dokumento, pinuna ng mga daluhasa ng UN ang isyu ng diskriminasyon ng lahi sa Amerika habang nagsusuri sila.
Sinabi pa ni Wang na inaantabayanan ng Tsina sa konklusyon ng CERD hinggil ang kalagayan ng pagsasakatuparan ng Amerika sa ICEFRD na ilalabas sa darating na Setyembre.