Pangulong Tsino: Dapat tiyakin ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan

2022-08-17 11:23:11  CRI
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri nitong Agosto 16, 2022 sa Xiaoling River at Daughter River sa lunsod Jinzhou, probinsyang Liaoning ng Tsina, pinakinggan niya ang ulat tungkol sa kalagayan ng pagpigil sa baha at disaster relief work ng probinsyang ito sa kasalukuyang taon.

Hiniling ni Xi sa lokal na komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaan sa iba’t-ibang lebel na mataimtim na isakatuparan ang iba’t-ibang hakbangin ng pagpigil sa baha at gawaing panaklolo, maayos na asikasuhin ang mga apektadong mamamayan, tiyakin ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan, at mabuting pagplanuhan ang rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad upang tulungan ang mga apektadong mamamayan sa pagpapanumbalik ng normal na produksyon at pamumuhay sa lalong madaling panahon.


Salin: Lito

Pulido: Mac