World Robot Conference 2022, binuksan sa Beijing

2022-08-19 16:55:22  CMG
Share with:

Binuksan kahapon, Agosto 18, ang World Robot Conference 2022 (WRC 2022) sa Beijing YiChuang International Exhibition & Convention Center sa Daxing district.

 


May tatlong exhibition halls ang WRC 2022, at kalahok ang mahigit 130 kompanya at research institutions.

 

Mahigit 500 robots ang itinatanghal sa WRC 2022, at mahigit 30 ang bagong produktong ipakikilala sa buong mundo. Ipinakikita ng naturang event ang lubos na maunlad na teknolohiya at produktong mula sa industriya ng robots.

 

Kasabay ng WRC 2022, idinaraos din ang World Robot Contest Championships 2022 (WRCC).

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac