Isang mensaheng pambati ang ipinadala nitong Biyernes, Agosto 19, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa World Vocational and Technical Education Development Conference na magkasamang itinaguyod ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina at pamahalaang lunsod ng Tianjin.
Tinukoy ni Xi na mahigpit ang ugnayan ng edukasyong bokasyonal sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at ito ay mahalaga para sa pagpapasulong ng paghahanap-buhay at pagsisimula ng negosyo, pagpapasigla ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ani Xi, aktibong isinusulong ng Tsina ang de-kalidad na pag-unlad ng edukasyong bokasyonal, at sinusuportahan ang pakikipagpalitan at pakikipagkooperasyong pandaigdig sa larangang ito.
Binuksan nang araw ring iyon sa Tianjin ang World Vocational and Technical Education Development Conference na may temang “Vocational and Technical Education Development in the Post-pandemic Era — New Changes, New Ways and New Skills.”
Salin: Lito
Pulido: Mac