Tsina sa Amerika: Huwag maliitin ang determinasyon ng Tsina sa pagtatanggol ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa

2022-08-20 14:12:37  CRI
Share with:

Bilang tugon sa pahayag kamakailan ni US Assistant Secretary of State for the Bureau of East Asian and Pacific Affairs Daniel J. Kritenbrink, ipinahayag nitong Agosto 19, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ginawa ng panig Tsino ang mariing reaksyon tungkol sa probokasyon ng panig Amerikano, at ito ay makatuwiran at lehitimo.


Ani Wang, buong tatag at hindi nagbabago ang determinasyon ng panig Tsino sa pagtatanggol ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa. Pinapayuhan aniya ng panig Tsino sa panig Amerikano na huwag maliitin  ang determinasyong ito.


Dagdag pa niya, kung talagang nais lutasin ng panig Amerikano ang isyung ito, ang tanging kalutasan ay pagbalik sa Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika at prinsipyong isang Tsina.


Salin: Lito

Pulido: Mac