639 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 578 domestiko

2022-08-20 14:15:03  CRI
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Agosto 19, 2022, 639 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.


Sa mga ito, 61 ang galing sa labas ng bansa, at 578 ang domestiko.


Batay pa sa datos, 8,243 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.


Samantala, 5,226 ang mga pumanaw.


Salin: Lito

Pulido: Mac