Sa usapin ng rehiyong Taiwan kamakailan, nilikha ng ilang politikong Amerikano ang krisis at ibinaling ang sisi sa panig Tsino.
Kaugnay ng pagbisita sa rehiyong Taiwan ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, magkakasunod na binatikos ng ilang mataas na opisyal Amerikano ang Tsina sa umano’y “overreaction” nito sa nasabing pagbisita, bagay na “nagdulot ng krisis sa relasyong Sino-Amerikano.” Layon nitong ibaling ang responsibilidad ng paglala ng situwasyon ng Taiwan Strait sa panig Tsino.
Mas masama pa, magkakahiwalay na bumisita ang ilang politikong Amerikano sa rehiyong Taiwan na nagpalala sa situwasyon ng Taiwan Strait.
Kung babalik-tanawin ang kasalukuyang krisis ng Taiwan Strait, nakikita ng sinumang walang-pinapanigan na ito ay pinagplanuhan at sinulsulan ng panig Amerikano.
Dahil sa pribadong kapakanang pulitikal, sa pakikipagsabwatan at pagmamanipula ng pamahalaang Amerikano, di nagpapigil na binisita ni Pelosi ang Taiwan na malubhang lumabag sa prinsipyong isang Tsina at Tatlong Magkakasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, malubhang nakapinsala sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, malubhang nakasira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait, at malubhang nakaapekto sa pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano.
Upang mapangalagaan ang katatagan ng Taiwan Strait, nauna at malinaw na ipinahayag ng panig Tsino ang pagtutol tungkol dito, at paulit-ulit na ipinagdiinan ang kalubhaan at kapinsalaang idudulot ng nasabing pagbisita.
Masasabing napakalinaw na inilahad ang posisyon ng panig Tsino tungkol dito.
Binibigyang-karapatan ng pandaigdigang batas ang bawat bansa sa pagsasagawa ng kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo, at pigilin ang dayuhang panghihimasok.
Sa harap ng masamang probokasyon, walang pagpili ang panig Tsino kundi isagawa ang ganting-salakay.
Ang prinsipyong isang Tsina ay pinaka-nukleo sa nukleong kapakanang Tsino.
Dapat pag-aralan ng panig Amerikano ang aral mula sa maling pagkilos na pagbisita ni Pelosi sa rehiyong Taiwan, at bumalik sa tumpak na landas ng pagpapatupad ng prinsipyong isang Tsina at Tatlong Magkakasanib na Komunike ng dalawang bansa.
Pinayuhan ng panig Tsino sa panig Amerikano na huwag muling magkamali. Kung hindi, tiyak na gagawin ang ganting-salakay ng panig Tsino.
Salin: Lito
Pulido: Mac