Dating PM ng Malaysia, mabibilanggo

2022-08-24 16:28:32  CMG
Share with:

Ibinaba nitong Agosto 23, 2022, ng Federal Court ng Malaysia ang graft conviction, sentensiyang 12 taon sa bilangguan, at 210 milyong Malaysian Ringgit (mga 46.84 na milyong USD) na parusa kay dating Punong Ministro Mohammad Najib Abdul Razak ng Malaysia sa kaso ng korupsyon.

 


Si Najib ang kauna-unahang dating PM ng Malaysia na makukulong sa bilangguan.

 

Hindi na rin siya muling makalalahok sa halalan, maliban lamang kung makukuha niya ang amnestiya mula sa pinakamataas na lider ng Malaysia.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac