Industriya ng kultural at panturista, mahalaga para sa kabuhayang Tsino

2022-08-24 15:12:34  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Agosto 24, 2022 sa Beijing ni Miao Muyang, opisyal ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, na nitong 10 taong nakalipas, ang industriyang kultural at panturista ay nagiging bagong puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang Tsino.

 

Aniya pa, gumaganap din ang dalawang industriya ng malahagang papel sa pagpapasulong ng pagbabago at pag-u-upgrade ng estruktura ng pambansang kabuhayan, at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayang Tsino.

 

Ayon sa datos ng nasabing ministri, ang bilang ng mga bahay-kalakal sa industriyang kultural ay umabot sa 65 libo mula sa 36 libo nitong 10 taong nakalipas. Ang taunang kita nila ay umabot sa 11.9 trilyong yuan RMB mula sa 5.6 trilyong yuan RMB. Hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, ang bilang ng mga travel agency sa buong Tsina ay umabot sa 42 libo.

 

Bukod dito, ang mga digital technology na gaya ng 5G, AR/VR at AI ay malawak na ginagamit sa nasabing dalawang industriya para gawin ang mga high-tech na produkto.


Salin: Ernet

Pulido: Mac