Nagdesisyon nitong Agosto 24, 2022, ang Constitutional Court ng Thailand na alisin sa puwesto bilang Punong Ministro ng Thailand si Prayuth Chan-ocha. Ang suspensiyon ay ipatutupad habang isinasagawa ng hukuman ang pag-iimbestiga.
si Prayuth Chan-ocha (file photo)
Kaugnay nito, ipinahayag ng tanggapan ng PM ng Thailand, na iginagalang ni Prayuth ang desisyon ng hukuman, at simula kahapon ay itinigil ang tungkulin bilang PM.
Patuloy namang manunungkulan siya bilang Ministro ng Tanggulang Bansa.
Sa panahong ito, si Prawit Wongsuwan, Pangalawang PM ng Thailand, ang manunungkulan bilang acting PM ng Thailand. Hindi maaapektuhan ang gawain ng pamahalaan ng Thailand sa kabila ng pagbabago sa liderato nito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac