Walang anumang napagkasunduan sa Ika-10 Pulong ng Pagsusuri sa NPT

2022-08-28 14:49:55  CRI
Share with:

Ipininid sa New York nitong Agosto 26 (local time), 2022 ang Ika-10 Pulong ng Pagsusuri sa “Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT).”


Dahil sa malaking pagkakaiba, walang anumang napagkasunduan sa nasabing pulong.


Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Li Song, China’s ambassador for disarmament affairs, ang lubos na kalungkutan ng delegasyong Tsino sa di pagkakaroon ng pinal na dokumento sa naturang pulong.


Ipinahayag niya na magsisikap ang Tsina kasama ng lahat ng signatoryong bansa, para buong tatag na mapangalagaan ang pandaigdigang sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear na nakabase sa NPT at makapagbigay ng walang patid na pagsisikap sa pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasang pandaigdig.


Salin: Lito