Kung kayo’y Muslim, dapat bisitahin ‘nyo ang Ningxia. At kung gusto ninyong kumain ng karne ng lamb at baka, all the more na dapat bisitahin ninyo ang Ningxia.
Bilang tanging Hui Autonomous Region sa Tsina, mahigit 35% ng taga-Ningxia ay Muslim, kaya, maraming makikitang halal na restaurant sa bawat kanto.
Sikat na sikat ang Ningxia dahil sa mga ulam ng lamb at baka, at pinaniniwalaang ang Ningxia ay may pinakamasarap na lamb sa buong Tsina.
Sa Yinchuan, punong lunsod ng Ningxia, kung gustong tikman ang Ningxia cuisines, meron dalawang food streets na gusto kong irekomenda.
Kung hindi kayo Muslim at ayaw kumain ng lamb at karne ng baka, puwedeng tikman ang makukulay na street food ng Ningxia sa Huaiyuan Night Market.
tapos, meron isa pa, Kalye ng Baka na nasa paligid ng South Gate Mosque. Matitikman dito ang halos lahat ng natatanging ulam ng Ningxia. Kabilang dito, ang nilagang lamb na talagang must-try. Ang de-kalidad na mga lamb ng Ningxia, ay walang masamang amoy at lasa. Hindi kailangang dagdagan ng anumang panimpla, inilalaga lamang sa tubig, tapos, kakainin ito kasama ng suka at bawang, napakasarap talaga.
Video Editor: Sissi
Pulido: Mac