Tsina: Dapat manatiling alerto sa mga pananalita ng Hapon

2022-09-02 14:36:01  CMG
Share with:

 

Tinukoy nitong Huwebes, Setyembre 1, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na inulit-ulit kamakailan ng Hapon ang di-umano’y “China threat” at ito’y nagpapakita sa tangka ng Hapon na guluhin ang kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II.

 

Nanawagan si Wang sa komunidad ng daigdig na dapat manatiling alerto sa naturang mapanganib na signal na inilabas ng Hapon.

 

Noong Agosto 31, ipinahayag sa ulat ng taunang budget ng Ministri ng Tanggulan ng Hapon na dapat ideploy at iyari ang mga cruise missiles, high-velocity ballistic missiles at hypersonic missile warheads para harapin ang di-umano’y banta ng Tsina.

 

Ayon sa ulat, ang naturang plano ay lumalabag sa limitasyon ng konstitusyon ng Hapon sa mga missiles.

 

Sinbi ni Wang na dapat mataimtim na magsisi ang Hapon sa mga kasalanan nito noong panahon ng pananalakay sa ibang mga bansa, igalang ang pagkabahala ng mga bansang Asyano sa seguridad at itigil ang pag-uudyok sa bantang panseguridad sa rehiyong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Mac