Beijing — Idinaos nitong Setyembre 3, 2022 ang talakayan ng paggunita sa ika-77 anibersaryo ng tagumpay ng pakikibaka ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon at pakikibaka ng daigdig laban sa pasista.
Ang dakilang tagumpay ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon ay puwersang nagtanggol sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at nakalikha ng magandang prospek ng dakilang pagbangon ng Nasyong Tsino.
Ito ang tagumpay hindi lamang ng mga mamamayang Tsino, kundi maging sa mga mamamayan ng buong daigdig.
Sa talakayan, binalik-tanaw ng mga kalahok, sa iba’t-ibang anggulo, ang napakahirap na panahon ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon na lubos na nagpapakita ng kanilang determinasyon at kompiyansa sa pag-alaala sa kasaysayan at martyr, pagmamahal ng kasaysayan, at paglikha ng kinabukasan.
Salin: Lito