Pagpapalaganap ng kaalamang siyentipiko sa mga mamamayan, isinusulong ng Tsina

2022-09-05 15:31:23  CMG
Share with:

Isinapubliko kahapon, Setyembre 4, 2022 ng General Office ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at General Office ng Konseho ng Estado ng Tsina ang isang guideline para pasulungin ang pagpapalaganap ng siyentipikong kaalaman at pagsuporta sa inobasyon sa lipunan.

 

Ang pagpapalaganap ng siyentipikong kaalaman ay pundamental na gawain para pasulungin ang kaunlaran na dulot ng inobasyon, anang dokumento.

 

Ipinagdiinan din nito ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng siyensiya at inobasyong siyentipiko at teknolohikal.

 

Pinahahalagahan din ng dokumento ang responsibilidad ng buong lipunang Tsino sa pagdaragdag ng kaalamang siyentipiko ng publiko.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio