Matinding katugong hakbangin, gagamitin ng Rusya kung isasagawa ng EU ang limitasyon sa visa

2022-09-05 15:34:19  CMG
Share with:

 

Sinabi kahapon, Setyembre 4, 2022 ni Dmitry Peskov, Tagapagsalita ng Pangulong Ruso, na mahigpit na sinusubaybayan ng Rusya ang kapasiyahan ng Unyong Europeo (EU) sa patakaran ng visa sa Rusya.

 

Aniya, kung isasagawa ng EU ang limitasyon ng visa sa Rusya, siguradong gagawin ng Rusya ang matinding katugong hakbangin.

 

Ipinahayag pa ni Peskov na ang mga katugong hakbangin ay angkop sa kapakanan ng Rusya.

 

Nauna rito, ipinatalastas ni Josep Borrell, Mataas na Komisyoner ng EU sa Patakarang Panseguridad at Diplomatiko, na sinang-ayunan ng mga ministrong panlabas ng EU na itigil ang kasunduan sa Rusya hinggil sa pagpapadali ng pagbibigay ng visa.

 

Layon nitong pahigpitin ang proseso ng pagbibigay ng visa ng mga bansang EU sa mga Ruso.

 

Hanggang sa kasalukuyan, ang nabanggit na kapasiyahan ay wala pang batayang batas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio