65 bilang ng mga nasawi sa lindol sa Sichuan

2022-09-06 14:34:14  CMG
Share with:

Hanggang alas-7 ng umaga ngayong araw, Setyembre 6, 2022, 65 na ang nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na yumanig nitong Lunes, Setyembre 5, sa bayang Luding ng lalawigang Sichuan ng Tsina.


Bukod dito, 12 ang nawawala at 248 ang nasugatan.


Ang lahat ng mga nasugatan ay ginagamot na sa ospital.


Salin: Ernest

Pulido: Mac