Pangulong Tsino: dapat ipauna ang gawain ng pagliligtas sa mga buhay sa lindol

2022-09-06 09:22:56  CRI
Share with:

Niyanig Setyembre 5, 2022 ng 6.8 magnitude na lindol sa bayang Luding ng probinsyang Sichuan ng Tsina.


Hanggang sa kasalukuyan, nasawi na ang 21 katao sa lindol, at nasugatan ang 30 iba pa. Nasira rin ang mga imprastrukturang gaya ng tubig, koryente, komunikasyon, at tele-komunikasyon sa apektadong lugar.


Pagkatapos ng lindol, lubos na pinahahalagahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang insidenteng ito at nagbigay ng mahalagang instruksyong dapat ipauna ang pagliligtas ng mga buhay sa gawaing panaklolo, at buong sikap na bigyang-tulong ang mga apektadong mamamayan para mabawasan sa pinakamalaking digri ang kasuwalti ng mga tao.


Bukod pa riyan, iniutos din ni Pangulong Xi na dapat palakasin ang pagsuperbisa at pagmonitor sa kalagayan ng lindol upang mapigilan ang pagkaganap ng secondary disaster.


Salin: Lito