vlog ni Sissi: Lantern ng Rabbit

2022-09-06 16:35:56  CRI
Share with:

Kung pipiliin ang isang hayop bilang mascot ng Mid-Autumn Festival o Mooncake Festival, ang mananalo ay walang iba kundi ang kuneho o rabbit. Sa alamat na Tsino, ang rabbit ay mabait na spirit na nakatira sa buwan at bahala sa sa paggawa ng elixir of immortality.

 

Ngayong araw, sabay tayong gumawa ng  isang rabbit lantern gamit ang face mask. 

Unang una, idisinfect ang mask, tapos, kunin ang metal strip sa loob, kailangan natin ang 10 strips para gumawa ng katawan ng rabbit.

 

Tapos, ikabit ang mga metal strips sa tulong ng double sided adhesive tape, meron tayo tatlong oval parang ganito.

 

Ihanda natin ang isang 12cm at dalawang 10 cm na metal strip para gumawa ng hugis ng rabbit.

 

Patuloy na ikabit ang mga ito kasama ng double sided adhesive tape.

 

Tapos, kunin ang nasa gitnang layer ng mask, gagamitin din natin ang second layer, para ito sa balat ng rabbit.

 

Malapit na tayo. 99%  na ang natatapos natin.

 

Idadagdag pa natin ang dalawang tainga, hawakan at ilaw.

 

Rabbit power, transform…tapos na ang ating Rabbit lantern.

 

Dito, sa ngalan ng buong pamilya ng serbisyo Filipino ng China Media Group, nawa palagi tayong masaya at malusog, Happy Mid-Autumn Festival, 中秋快乐.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac