Kalakalang panlabas ng Tsina noong unang 8 buwan ng 2022, lumaki ng 10.1%

2022-09-07 15:11:49  CMG
Share with:

 

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Setyembre 7, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 27.3 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina mula noong Enero hanggang Agosto ng taong ito, na lumaki ng 10.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

 

Kabilang dito, 15.48 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas na lumaki ng 14.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2021.

 

Samantala, ang pag-aangkat ay pumalo sa 11.82 trilyong yuan RMB na lumaki ng 5.2%.

 

Ayon pa sa nabanggit na datos, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nananatili pa ring pinakamalaking trade partner ng Tsina.

 

Ang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN ay katumbas ng 15% ng kabuuang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio