Breakthrough sa nukleong teknolohiya sa mga masusing larangan, kailangang isakatuparan – Xi Jinping

2022-09-07 14:16:48  CMG
Share with:

 

Sa kanyang talumpati sa Ika-27 Pulong ng Komisyon ng Pagpapalalim ng Reporma ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinagdiinan nitong Martes, Setyembre 6, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang magkaroon ng bagong sistema sa paggamit ng mga yaman ng buong bansa tungo sa pagsasakatuparan ng breakthrough sa nukleong teknolohiya sa mga masusing larangan.

 

Ipinahayag din ni Xi na dapat pahigpitin ang suporta sa inobasyon at pataasin ang bentaheng kompetetibo sa mga mahalagang larangan.

 

Pinagtibay rin sa pulong ang panukala para maigarantiya ang seguridad ng pambansang yaman na gaya ng enerhiya, tubig, lupa, mina at pagkaing-butil at pasulungin ang kaunlarang ekolohikal at de-kalidad na pag-unlad.

 

Dumalo sa pulong sina Premyer Li Keqiang at Hanzheng, Pirmihang Kagawad ng Standing Committee ng Pulitburo at Pangalawang Puno ng Komisyon ng Pagpapalalim ng Reporma ng Komite Sentral ng CPC.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio