CMG Komentaryo: Circle of Friends ng CIFTIS, lumalaki

2022-09-07 11:32:13  CRI
Share with:

Matapos ang 6 na araw na pagtatanghal, ipininid Setyembre 5, 2022 ang 2022 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS).


Ito ay nag-iwan ng di-makakalimutang impresyon sa mga eksibitor at nagkaloob ng mga pagkakataong komersyal sa mga kompanya ng buong mundo.


Sa 507 na lumahok, 10 bansang gaya ng United Arab Emirates, Switzerland, at Italya ang sumali sa unang pagkakataon.


Ayon sa inisyal na estadistika, nakuha ng 2022 CIFTIS ang 1,339 na mahahalagang bunga na kinabibilangan ng 173 sa malikhaing larangan.


Nitong 10 taong nakalipas sapul nang itaguyod ng Tsina ang CIFTIS, lampas sa 200 bansa’t rehiyon ang naging katuwang nito sa kalakalang panserbisyo.


Sa kasalukuyang daigdig kung saan, kinakaharap ang maraming hamon, ang CIFTIS ay nagsisilbing mahalagang pinto ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, pagpapalalim ng kooperasyon, at pagpapasulong ng inobasyon.


Ipinahihiwatig nito ang matatag na determinasyon ng Tsina sa pagpapasulong ng globalisasyong pangkabuhayan na ngayo’y lubos na kinakailangan ng kasalukuyang daigdig.


Makaraang ipinid ang 2022 CIFTIS, ipapatupad ang mga napagkasunduan na magbubunsod ng benepisyo sa buong mundo.


Dahil sa walang patid na pagpapalawak ng Tsina ng de-kalidad na pagbubukas sa labas, magkakasunod na makakarating ang mas maraming pagkakataon ng pag-unlad.


Salin: Lito

Pulido: Rhio