Kaugnay ng plano ng Amerika na palakasin ang kakayahang militar sa kalawakan, tinukoy Miyerkules, Setyembre 7, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat igalang ng Amerika ang malawak na pagkabahala ng komunidad ng daigdig at agarang itigil ang anumang negatibong aksyong nagbabanta sa seguridad ng kalawakan.
Hinimok ni Mao ang Amerika na dapat isabalikat ang sariling responsibilidad at huwag hadlangan ang talastasan hinggil sa dokumentong pambatas sa pagkontrol ng mga sandata sa kalawakan.
Ayon sa bagong patakaran sa kalawakan na isinapubliko kamakailan ng Pentagon, palalakasin ng Amerika ang kakayahang militar nito sa kalawakan para labanan ang di-umano’y kaaway.
Ayon pa rito, nais ng Amerika na palawakin ang kooperasyong militar sa mga kaalyadong bansa para marating ang responsableng code of conduct sa kalawakan.
Ipinahayag ni Mao na ang nasabing bagong patakaran ng Amerika malubhang hamon sa kapayapaan at seguridad ng kalawakan at lantarang nakakapinsala sa komong palagay ng komunidad ng daigdig sa mapayapang paggamit ng kalawakan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio