Pagbati, inihayag ni Xi Jinping sa bagong halal na pangulo ng Kenya

2022-09-08 14:24:31  CMG
Share with:

 

Isang mensahe ang ipinadala Miyerkules, Setyembre 7, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay William Samoei Ruto bilang pagbati sa kanyang pagkakahalal bilang pangulo ng Kenya.

 

Tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, naging mabunga ang mga kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.

 

Lubos aniyang pinahahalahagan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Kenya at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Ruto, para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa upang makamtan ng mga Tsino at Kenyano ang pakinabang.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio