Seremonya ng pamimigay ng bakuna kontra COVID-19 na donasyon ng Tsina, idinaos

2022-09-11 15:05:39  CRI
Share with:

Yangon Idinaos Setyembre 9, 2022 ang seremonya ng pamimigay ng 2 milyong bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na donasyon ng Tsina sa Myanmar.


Ipinahayag rito ni Zhang Zhihong, Counsellor ng Embahadang Tsino sa Myanmar, na ang mga  bakuna ay nagkakaloob ng matibay na garantiya para sa kalusugan ng mga mamamayan ng Myanmar.


Ipinakikita nito aniya ang diwa ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.  


Pinasalamatan naman ng panig Myanmar ang ibinibigay na tulong at suporta ng Tsina sa pakikibaka laban sa pandemiya.


Dumalo sa pagtitipon ang mga opisyal mula sa Tsina at Myanmar, at kinatawan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).


Salin: Lito

Pulido: Rhio