Vlog ni Sissi-Ice Skin Mooncake

2022-09-12 20:49:36  CRI
Share with:

Ngayong araw,September 10th, ay Chinese Mid-Autumn Festival, or Mooncake Festival, kumain na ba kayo ng mooncake? Tara, sabay tayong gumawa ng magagandang mooncake.

 

Haluin ang 125 grams na snow skin mooncake premix at 125 ml ng kumukulong tubig, knead the dough, puwedeng magsuot ng plastic gloves para hindi dumikit sa kamay.

 

Hiwain ang masa ng arina sa dalawang bahagi, ang isang bahagi, ay iwang kulay puti, ang isa pang parte, dagdagan ang mocha powder para maging kulay green.

 

Ayan meron na tayong puti, green, dalawang 125 grams ng masa na sapat sa paggawa ng sampung ice skin mooncakes.

 

Susunod, gagawa tayo ng filling, ihanda ang 200 grams ng cream cheese na nasa room temperature, tapos, idagdag ang 50 grams ng sweet red bean.

 

Gumawa ng sampung portions ng filling, 25 grams bawat isa. Tapos, palamigin ang mga filling sa ref.

 

Gumawa ng isang mahabang rolyo ng dough, dapat makagawa ng labinlimang 25grams na portions.

 

Takpan ng plastic wrap para hindi matuyo ang ibabaw.

 

Ihanda ang nilutong glutinous rice flour.

 

Budburan ng nilutong glutinous rice flour.

 

Ito ay isang 50 gram mooncake mold. Ilagay natin dito ang mga ingredients.

 

Pahiran ng nilutong glutinous rice flour sa ibabaw gamit ang malambot na brush.

 

Tapos na ang ating ice skin mooncake, no need for baking at ready to eat na ang dough nito.

 

Palamigin sa refrigerator para mas masarap ang lasa.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac